Nasawi sa UK dahil sa COVID-19 mahigit 50,000

Nakapagtala na ng mahigit 50,000 na nasawi sa COVID-19 sa United Kingdom.

Ayon kay Business Secretary Alok Sharma base sa analysis ng Office for National Statistics (ONS), mayroong 50,107 na katao na nasawi sa sakit.

Ang datos ng bilang ng mga nasawi ay hanggang noong May 29.

Pero base sa opisyal na datos na inilabas ng pamahalaan ay nasa 40,883 ang pumanaw sa COVID-19 sa UK.

Ang UK ang pangalawang bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming bilang ng nasawi sa COVID-19 kasunod ng Estados Unidos.

 

 

Read more...