June 11 deklaradong special non working holiday sa lalawigan ng Rizal

Idineklarang holiday ng Malakanyang ang June 11, 2020 sa buong lalawigan ng Rizal.

Sa Proclamation No. 954 ay special non working holiday sa Rizal bukas, June 11 araw ng Huwebes.

Ito ay bilang paggunita sa ika 119 na Founding Anniversary ng Rizal bilang lalawigan.

Ang proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Nakasaad sa proklamasyon na bagaman nararapat ang pagdaraos ng selebrasyon ay pinapayuhan ang lahat na pairalin pa rin ang social distancing at public health measures sa idaraos na aktibidad.

 

 

 

Read more...