Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.49 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (June 10) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 188.64 meters.
Bahagyang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.03 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 100.98 habang bahagyang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 75.84 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 75.93 meters.
Samantala, nabawasan din ang water level ng San Roque Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao at Binga dams.
READ NEXT
Publiko, healthcare professionals binalaan sa paggamit ng hindi rehistradong COVID Antibody Test Kit
MOST READ
LATEST STORIES