Publiko, healthcare professionals binalaan sa paggamit ng hindi rehistradong COVID Antibody Test Kit

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa lahat ng healthcare professionals at sa publiko sa pagbili at paggamit ng hindi sertipikadong Covid-19 test kit.

Ayon sa abiso ng FDA, sa isinagawa nilang post-marketing surveillance ay natuklasan na ang “DeepBlue COVID-19 (SARS-CoV-2) Antibody Test Kit” ay hindi naisyuhan ng sertipikasyon ng ahensya.

Dahil dito, bawal ang pagbebenta o pagpapakalat nito.

Hindi umano ito sumailalim sa evaluation process ng FDA kaya walang garantiya ang kalidad nito.

 

 

Read more...