Global cases ng COVID-19 mahigit 7.3 million na

Umakyat na sa mahigit 7.3 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, sa nasabing bilang, mayroong mahigit 412,000 na ang nasawi.

Umabot naman na sa halos 3.6 milyon na ang naitatalang naka-recover o gumaling na sa sakit.

Habang halos 3.3 million pa ang aktibong kaso kung saan halos 54,000 dito ang kritikal ang kondisyon.

Sa nakalipas na magdamag, ay umabot sa mahigit 114,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at mahigit 4,600 ang naitalang bagong nasawi sa sakit.

 

 

Read more...