LPA sa Silangan ng Eastern Samar posibleng maging bagyo sa susunod na 1 hanggang 2 araw

Magiging ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA sa bahagi ng Eastern Samar.

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa 75 kilometers East ng Borongan City, Eastern Samar.

Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at nakaaapekto na sa Palawan at Visayas.

Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 hanggang 48 oras ay posibleng maging ganap na bagyo ang LPA at papangalanan itong Butchoy.

Para sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, dahil sa LPA at ITCZ, ang mga lalawigan ng Marinduque at Romblon at mga rehiyon ng Bicol, Caraga, Northern Mindanao, Davao Region, Central at Eastern Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Ang Western Visayas at nalalabing bahagi ng Mindanao ay makararanas din ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Southwesterly Windflow.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas lang ng bahagyang maulap na papawirin.

Sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw magiging maulan sa Bicol Region at sa ilang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila dahil sa dahil sa LPA na magiging bagyo.

 

 

Read more...