Sa abiso ng PAL, hindi sila nabigyan ng alokasyon ng pamahalaan para sa international arrival slots sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Dahil dito, kinansela muna ang sumusunod na mga biyahen gayong araw June 10 hanggang June 12:
JUNE 10:
PR102/103 Manila-Los Angeles-Manila
PR104/105 Manila-San Francisco-Manila
PR116/117 Manila-Vancouver-Manila
JUNE 11:
PR126 Manila-New York JFK
JUNE 12:
PR127 New York JFK-Manila
Ang biyahe patungong Los Angeles na dapat ngayong araw ay planong bukas na lamang ituloy.
Pero ang biyahe mula Los Angeles pabalik ng Pilipinas ay sa Cebu na lamang lalapag sa halip na sa NAIA.
Ayon sa PAL, ang mga pasahero ng flight na lalapag sa Cebu ay kailangang sumailalim sa mandatory COVID testing pagdating ng Cebu.
Isasalalim din sila sa quarantine sa hotel sa Cebu na accredited ng Department of Health (DOH) habang hinihintay ang resulta ng kanilang COVID-19 test.
Sa sandaling mag-negatibo, ibibiyahe na sila ng libre ng PAL mula Cebu patungong Manila.