Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna umabot na sa 115

Muli pang nabawasan ang bilang ng Coronavirus Disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng lokal na pamahalaan ng Laguna (Martes, June 9 3PM), nasa 115 na lamang ang kabuuang bilang ng active cases sa lalawigan.

Narito ang mga lugar na may COVID-19 active cases:

San Pedro (Larger Community) – 15
San Pedro (BJMP) – 53
San Pedro (PNP) – 11
Biñan (Larger Community) – 15
Biñan (PNP Custodial Facility) – 4
Los Baños – 2
Calamba – 6
Santa Rosa – 4
Cabuyao – 3
Victoria – 2

Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 40 habang ang bilang naman ng nakarecover na ay 345.

Ang kabuuang bilang ng tinmaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 500.

Samantala, nasa 1,496 naman ang bilang ng suspected cases at 75 ang probable cases.

Read more...