Ayon sa PAGASA, pitong synoptic stations nila ang nakapagtala ng pinakamaalinsangang panahon sa araw ng Martes (June 9).
Pumalo sa 47 degrees Celsius ang heat index sa Sangley Point, Cavite City bandang 2:00 ng hapon.
Narito naman ang heat index sa iba pang lugar:
– Dagupan City – 46 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Ambulong, Tanauan City – 44 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– NAIA, Pasay City – 44 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Laoag City – 43 degrees Celsius bandang 12:00 ng tanghali
– Legazpi City – 43 degrees Celsius bandang 11:00 ng umaga
– Science City of Muñoz – 43 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
Ayon sa PAGASA, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.
Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.