Quezon City muling nakapagtala ng 40 degrees Celsius na heat index, June 9

Mainit at maalinsangang panahon pa rin ang naranasan sa Metro Manila, araw ng Martes (June 9).

Ayon sa PAGASA, pumalo sa 40 degrees Celsius ang heat index o alinsangang naramdaman sa bahagi ng Science Garden sa Quezon City bandang 2:00 ng hapon.

Umabot naman sa 33.4 degrees Celsius ang air temperature sa nasabing lugar sa kaparehong oras.

Dahil dito, patuloy ang paalala ng weather bureau na dalasan ang pag-inom ng tubig.

Iwasan din ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon para makaiwas sa heat stress.

Read more...