Davao del Sur, niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Yumanig ang magnitude 3.8 na lindol sa Kiblawan, Davao del Sur Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 15 kilometers Northwest bandang 6:54 ng gabi.

15 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Dahil dito, naramdaman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity 4:
– Kidapawan City, Cotabato

Intensity 1:
– Koronadal City
– Tupi, South Cotabato
– Malungon, Sarangani

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...