COVID-19 cases sa Mandaluyong City, nasa 759 na

Pumalo na sa 759 ang bilang ng nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Martes ng hapon (June 9), 10 ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa 759, 235 ang aktibong kaso.

420 ang itinuturing na probable cases habang 1,397 ang suspected cases kung saan 2,351 ang cleared na.

Nadagdagan naman ng 44 ang bilang ng mga gumaling.

Dahil dito, 466 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Nasa 58 residente sa Mandaluyong ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...