Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 218 na kaso hanggang 12:00, Martes ng tanghali (June 9).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
“Based on our investigations so far, there are six cases in the community, all of whom are Work Pass holders. There are no Singaporean/Permanent Resident cases,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 38,514 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.
MOST READ
LATEST STORIES