Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,712

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (June 9, 3:00 PM) nakapagtala ng 28 bagong kaso kaya pumalo na sa 1,712 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 392
Laguna – 496
Batangas – 212
Rizal – 486
Quezon – 126

Nasa 915 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 13 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 152
Laguna – 326
Batangas – 123
Rizal – 237
Quezon – 77

Nanatili ang COVID-19 related deaths sa rehiyon sa 164.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 30
Laguna – 36
Batangas – 26
Rizal – 63
Quezon – 9

Read more...