Ilang lugar sa Luzon, uulanin sa mga susunod na oras

Asahang makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.

Sa thunderstorm advisory bandang 5:40 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Nueva Ecija, Bataan at Cavite.

Maaapektuhan din ng nasabing lagay ng panahon ang bahagi ng Hagonoy, Paombong at Calumpit sa Bulacan; Sasmuan, Lubao sa Pampanga; Subic, Castillejos, San Marcelino, San Narciso at San Felipa sa Zambales; at maging sa Moncada, Tarlac.

Sinabi ng weather bureau na mararamdaman ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Ngunit babala ng PAGASA, maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...