BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 22,992

Nadagdagan pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (June 9), sumampa na sa 22,992 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na 518 pa ang napaulat na kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 280 ang “fresh cases” habang 238 ang “late cases”

Sinabi ng DOH na anim pa ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,017 na.

Ayon sa DOH, 99 pasyente ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, ang total recoveries sa COVID-19 sa Pilipinas ay 4,736 na.

Read more...