64 pang Filipino sa abroad ang gumaling sa COVID-19 – DFA

Nasa 64 ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 9, umakyat na sa 2,295 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit.

Nasa 5,401 naman ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 51 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,726 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Samantala, siyam naman ang pumanaw pa kung kaya 380 na ang COVID-19 related deaths sa mga Pinoy abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,354 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 856 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 664 naman ang kaso sa Americas at 527 sa Asia Pacific Region.

Read more...