Sarangani, Davao Occidental niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental Martes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay nasa 38 kilometers Southwest ng Sarangani bandang 3:04 ng hapon.

May lalim ang lindol na 187 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa nasabing bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...