COVID-19 patient nasawi matapos tumalon mula sa ikatlong palapag ng isang ospital sa Cebu

Isang pasyente ng COVID-19 ang tumalon mula sa ikatlong palapag ng isang government hospital sa Cebu City.

Sa ulat ng Inquirer Visayas nangyari ang insidente alas 8:20 ng umaga ng Martes, June 9.

Ang pasyente na isang 48 anyos na lalaki ay sa Vicente Sotto Memorial Medical Center matapos magpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Major Elisandro Quijano, hepe ng Abellana Police Station, agad rumesponde ang kanilang mga tauhan sa ospital pero hindi sila hinayaan ng management ng VSMMC na makapasok sa bisinidad dahil ang biktima ay isang COVID-19 positive.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng VSMMC sa insidente.

 

 

Read more...