Anti-terrorism bill naipadala na kay Pangulong Duterte para sa kaniyang pirma

Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para maging isang ganap na batas ang Anti-terrorism bill.

Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto na kagabi (June 8) ay nalagdaan na niya at ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang panukalang batas.

Ngayong umaga ay agad itong ipinadala sa Malakanyang para sa pirma ni Pangulong Duterte.

Magugunitang umaani ng pagbatikos mula sa mga progresibong grupo ang anti-terrorism bill.

 

 

Read more...