“Bayanihan para sa distance learning” inilunsand ng OVP

Naglunsad ng proyektong Bayanihan para sa distance learning” ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo.

Sa ilalim ng proyekto, hinihikayat ang publiko na mag-donate ng luma o hindi na ginagamit na smartphones, tablet computers, laptop o desktop computers.

Layon nitong matulungan ang mga mag-aaral sa napipintong pagpapatupad ng distance learning sa gitna ng COVID-19 crisis.

Ayon sa abiso, kahit hindi bago ang gadgets, basta’t gumagana pa at mayroong basic programs ay pwedeng i-donate.

Ang malilikom na donasyon ay ibibigay sa mga estudyante na walang pambili o access sa ganitong mga kagamitan.

Maari ding mapagkalooban ang mga guro na gagamit ng bagong medium sa kanilang pagtuturo.

 

 

Read more...