Traffic Advisory: Don Antonio U-Turn sa Commonwealth Ave. sarado muna sa mga motorista

Nagsasagawa ng dismantling o pagbabaklas ng formworks sa bahagi ng Don Antonio sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Bahagi ito ng nagpapatuloy na konstruksyon ng MRT-7.

Sa abiso ng MRT-7 Traffic Task Force, naapektuhan ang exit lane mula sa bahagi ng Don Antonio U-Turn.

Pansamantala ding isinara ang U-Turn habang ginagawa ang pagbabaklas.

Inaasahang matatapos ang dismantling ng formworks sa naturang lugar alas 11:00 ng umaga.

Sa update naman ng Task Force bago, mag alas 10:00 ng umaga ay nabuksan na sa mga motorista ang Don Antonio U-Turn.

 

 

Read more...