Dalawa pang empleyado ng Kamara nagpositibo sa COVID-19

Dalawang empleyado pa ng Kamara ang nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ito ni House Secretary-General Jose Luis Montales.

Ayon kay Montales, mag-asawa ang empleyado ng Kamara na panibagong nakumpirmang positibo sa COVID-19.

Nakatalaga sila sa Printing Office and at sa Engineering Department.

Huli silang pumasok sa trabaho noong May 28.

Nagsasagawa na ng contact tracing sa mga naging close contacts ng dalawa.

 

 

Read more...