Mas madalas na paggamit ni Gabby Lopez sa kaniyang US passport kaysa PH passport nausisa sa Kamara

Sa ikaapat na pagdinig ng House Committees on Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability, wala pa ring linaw ang kapalaran ng ABS-CBN franchise.

Tanong ng mga kongresista, kung maaari bang magmay-ari ng broadcast company ang dual citizen na gaya ni ABS-CBN chairman emeritus Gabby Lopez dahil sa mahigpit na probisyon ng konstitusyon na nagsasabing ang pagmamay-ari ng mass media ay limitado sa Filipino citizens.

Ipinunto rin ni Cavite Rep. Boying Remulla na mapanganib sa national interest ang dual allegiance.

Inusisa rin nito ang travel records ni Lopez kung saan lumalabas na mas ginagamit nito ang kanyang U.S. passport kaysa Philippine passport na kinuha lamang noong 2001.

Binigyang-diin ng kongresista na tuwing gamit ni Lopez ang kanyang US passport ay nangangahulugan ito na nasa ilalim siya ng proteksyon ng gobyerno ng Amerika.

Mistulang inamin naman ni Lopez sa pagtatanong ni DUMPER Rep. Claudine Bautista na ginagamit niya ang kanyang US passport sa mga lugar na convenient maging Amerikaso kaysa Pilipino gaya ng Europa kung saan hindi kailangan ng visa kapag bumibiyahe ang American citizens.

Ginagamit naman ni Lopez ang kanyang Philippine passport tuwing bibiyahe sa ASEAN countries kung saan hindi naman kailangan ng visa ng mga Pilipino.

 

 

 

 

 

 

Read more...