Master list ng mahigit 57,000 na OFWs na negatibo sa COVID-19 inilabas ng Coast Guard

Naglabas ng updated na master list ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga umuwing Pinoy na nag-negatibo sa COVID-19.

Ayon sa Coast Guard as of 4:34 ng hapon ng Lunes, June 8 ay 57,065 na ang mga OFW na nag-negatibo sa RT-PCR test.

Maaring makita ang master list sa link na ito https://bit.ly/2XL7E6u

Lahat ng overseas Filipinos kabilang ang mga OFWs, Filipino seafarers, at returning Filipinos na negatibo sa test na ginawa ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs ay makikita sa listahan.

Kung ang pangalan ay nasa listahan, maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel na nasa quarantine facility upang maiproseso ang kanilang pag-uwi sa probinsya.

 

 

 

 

Read more...