Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na tinatayang mahigit 155,000 na junior high school at mahigit 19,000 na senior high school na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan ang tatanggap ng tablet.
Magbibigay din ang Quezon City government ng 20 computer sa bawat pampublikong paaralan para makatulong at magamit ng mga pampublikong guro.
Sinabi ni Belmonte na ginawan nila ng paraan para mahanapan ng pondo ang paglalaan ng gadgets sa mga bata at mga guro.
Mayroong halos kalahating milyong estudyante sa mga pampulikong paaralan sa Quezon City.
Ani Belmonte, mahirap sa ngayon na mapaglaanan ng gadgets ang lahat ng public school students kaya inuna nila ang mga junior at senior high school.