US court nagtakda ng mahigit $1M na piyansa sa pulis na kinasuhan dahil sa pagkamatay ni George Floyd

Humarap na sa korte ang police officer na si Derek Chauvin na kinasuhan dahil sa pagkamatay ng African American na si George Floyd.

1.25 million US dollars ang itinakdang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng opisyal.

Si Chauvin, ay kinasuhan ng second at third-degree murder at manslaughter dahil sa pagluhod sa leeg ni Floyd na ikinasawi nito.

Sa pagtatakda ng piyansa binanggit ni
Minnesota Assistant Attorney General Matthew Frank ang bigat ng kaso.

Pinangangambahan ding tumakas si Chauvin kung siya ay malalalaya.

Magugunita na nagresulta ng malawakang protesta sa US ang pagkasawi ni Floyd.

 

 

 

Read more...