5 staff ng Basilica del Santo Niño de Cebu nagpositibo sa COVID-19

Mananatiling sarado muna sa publiko ang Basilica del Santo Niño de Cebu.

Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang lima sa mga stadd nito.

Sa pahayag ng pamunuan ng simbahan, wala naman sa mga pari nito na nauna nang inilagay sa isolation ang nagpositibo.

Sa 41 swab tests na kinuha sa mga pari at staff ng simbahan, 5 ang positibo.

Ayon kay Fr. Andres Rivera, Jr., provincial superior ng Order of Saint Agustine, nananatiling asymptomatic ang lima at ngayon ay nasa ika-13 araw na ng kanilang quarantine.

Ayon kay Fr. Rivera mananatili munang walang idaraos na public Masses sa simbahan at isasailalim ang buong compound ng basilica sa sanitation.

 

 

 

Read more...