Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.64 meters alas-6:00 umaga ng Martes (June 9) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 188.87 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.98 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 101.00 habang bahagyang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 75.93 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 76.00 meters.
Samantala, nabawasan din ang water level ng San Roque Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao at Binga dams.
READ NEXT
Konsehal sa bayan ng Taft, Eastern Samar at kaniyang magulang tinakasan ang convoy na maghahatid sa kanila sa quarantine facility
MOST READ
LATEST STORIES