Pumalo na sa mahigit 2,400 ang mga nagpositibo sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 2,404 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 11:00, Lunes ng gabi (June 8).
Sa nasabing bilang, 2,302 ang COVID-19 cases na may kumpletong address.
2,230 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 895 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
1,141 naman ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod habang 194 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 1,311 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES