Bilang ng COVID-19 cases sa Bicol, nanatili sa 77

Nanatili sa 77 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol.

Sa datos ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) Bicol, walang panibagong kaso ng nakakahawang sakit sa rehiyon hanggang 6:00, Lunes ng gabi (June 8).

Sinabi nito na walang natanggap na test results sa Lunes.

Paliwanag nito, nagsasagawa kasi ng decontamination sa Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory o BRDRL tuwing araw ng Linggo habang sa BMC naman ay kada Lunes.

Sa datos, anim ang naka-admit pa sa ospital.

Nasa 66 naman ang gumaling habang lima ang nasawi bunsod ng pandemiya sa rehiyon.

Read more...