Sunog sa Malabon City, kontrolado na

Sumiklab ang sunog sa isang warehouse sa Malabon City.

Naganap ang sunog sa bahagi ng Mango Road sa Barangay Potero.

Batay sa update ng Bureau of Fire Protection (BFP) Malabon, idineklara nang fire under control bandang 9:42 ng gabi.

Nagsimula ang sunog bandang 1:23 ng madaling-araw.

Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Inaalam pa rin kung magkano ang halaga ng pinsala sa lugar.

Read more...