Surigao del Norte niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa General Luna, Surigao del Norte Lunes ng gabi (June 8).

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay nasa layong 83 kilometers Southeast ng General Luna bandang 10:37 ng gabi.

May lalim ang lindol na dalawang kilometro at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa nasabing bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...