40 degrees Celsius na heat index naitala sa Quezon City, June 8

Mainit at maalinsangang panahon pa rin ang naranasan sa Metro Manila, araw ng Lunes (June 8).

Ayon sa PAGASA, pumalo sa 40 degrees Celsius ang heat index o alinsangang naramdaman sa bahagi ng Science Garden sa Quezon City bandang 3:10 ng hapon.

Umabot naman sa 34.2 degrees Celsius ang air temperature sa nasabing lugar sa kaparehong oras.

Dahil dito, patuloy ang paalala ng weather bureau na dalasan ang pag-inom ng tubig.

Iwasan din ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon para makaiwas sa heat stress.

Read more...