Sa datos ng kagawaran, umakyat na sa 2,736 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit hanggang June 7.
Sa nasabing bilang, 1,115 ang aktibong kaso kung saan 124 ang asymptomatic, 990 ang mild at isa ang may severe condition.
Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 738
– Nurse – 1,006
– Nursing Assistant – 178
– Medical Technologist – 110
– Radiologic Technologist – 57
Nasa 347 namang non-medical staff ang naapektuhan ng nakakahawang sakit.
Samantala, 1,589 ang mga naka-recover na health worker sa nakakahawang sakit hanggang June 7.
Sinabi pa ng DOH na nanatili sa 32 ang mga pumanaw na medical worker bunsod ng COVID-19.