Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,684

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (June 8, 3:00 PM) nakapagtala ng 32 bagong kaso kaya pumalo na sa 1,684 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 389
Laguna – 492
Batangas – 211
Rizal – 479
Quezon – 113

Nasa 902 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 5 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 150
Laguna – 320
Batangas – 120
Rizal – 235
Quezon – 77

Nadagdagan ng 1 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon kaya umabot na sa 164.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 30
Laguna – 36
Batangas – 26
Rizal – 63
Quezon – 9

Read more...