Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 374 na

Nadagdagan pa nang pito ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa monitoring report hanggang 6:00, Lunes ng gabi (June 8), sinabi ng PNP Health Service na umabot na sa 374 ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Nasa 711 na pulis ang itinuturing na probable case habang nanatili sa 736 ang suspected cases.

Sinabi pa ng PNP na umakyat sa 208 na ang total recoveries sa hanay ng pambansang pulisya sa naturang sakit.

Nasa lima naman ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.

Read more...