Isang LPA, binabantayan sa loob ng bansa – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA website

May isang nabuong low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.

Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, huling namataan ang LPA sa layong 640 kilometers Silangang bahagi ng Guiuan, Eastern Samar bandang 3:00 ng hapon.

Malayo pa aniya sa anumang parte ng bansa ang LPA.

Dahil dito, hindi pa nagdudulot ng masamang panahon ang LPA sa bansa.

Ani Aurelio, nakapaloob ang LPA sa umiiral na Inter-Tropical Convergence Zone o ITCZ.

Posible aniyang lumakas ang LPA at maging isang bagyo.

Mayroon aniyang apat na track na binabantayan ang PAGASA na posibleng tahakin ng sama ng panahon.

Sakaling maging bagyo, papangalanan aniya itong “Butchoy.”

Sa pagtaya ng PAGASA, maaaring umabot sa dalawa hanggang tatlong bagyo ang pumasok sa bansa sa buwan ng Hunyo.

Read more...