Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City, 262 na

Nasa 262 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:15, Lunes ng gabi (June 8), sa nasabing bilang ay 58 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Barangay Putatan at Alabang na umabot sa 41 cases.

Narito ang kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod ng barangay:
– Tunasan – 30
– Poblacion – 34
– Buli – 4
– Ayala Alabang – 32
– Bayanan – 15
– Cupang – 31
– Sucat – 34

389 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 40 ang suspected cases.

Samantala, 171 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang nananatili sa 33 ang nasawi.

Read more...