Governor Generoso, Davao Oriental nilindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Governor Generoso, Davao Oriental Lunes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 45 kilometers Southeast ng Governor Generoso bandang 5:36 ng hapon.

36 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...