Bilang ng mga Filipino abroad na tinamaan ng COVID-19, pumalo na sa higit 5,400 – DFA

Nasa 13 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 8, umakyat na sa 5,405 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 49 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,803 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nanatili naman sa 2,231 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, umakyat naman sa 371 ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,368 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 852 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 662 naman ang kaso sa Americas at 523 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...