BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 22,474

Nadagdagan pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Lunes ng hapon (June 8), sumampa na sa 22,474 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na 579 pa ang napaulat na kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 331 ang “fresh cases” habang 248 ang “late cases”

Sinabi ng DOH na walo pa ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,011 na.

Ayon sa DOH, 107 pasyente ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, ang total recoveries sa COVID-19 sa Pilipinas ay 4,637 na.

Read more...