Ito ay bilang pagtugon na rin sa mga inilatag na health protocols kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung mayroong blended education ang Department of Education (DepEd), mayroon namang blended SONA ang Pangulo.
“That’s being discussed. I think kung meron tayong blended learning we will also have a blended SONA,” pahayag nj Roque.
Sa ilalim ng blended education, magiging online o sa internet na lamang ang gagawing pagtuturo ng mga guro sa mga estudyante para masiguro ang social distancing at makaiwas sa COVID-19.
Ayon kay Roque, maaring sundin ito ng Palasyo at gawin ang blended SONA sa Hulyo.
Isinasagawa ang SONA ng Pangulo tuwing huling Lunes ng Hulyo kada taon.