New Zealand, COVID-19 free na

Wala nang kaso ng COVID-19 sa New Zealand.

Ito ay matapos na gumaling ang kaisa-isa na lamang na pasyente ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Ayon kay Director general of health Dr. Ashley Bloomfield, ang pasyente na isang Auckland woman at nasa edad 50 ay naka-recover na sa sakit.

Dahil dito, wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa NEw Zealand.

Nagpupulong na ang pamahalaan ng New Zealand kung ilalagay ang bansa sa pinakamababa nang alert level kasunod ng development.

Umabot sa 1,154 ang kaso ng COVID-19 sa New Zealand at 22 ang nasawi.

 

 

Read more...