LOOK: Eat Bulaga balik na sa live studio airing

Balik na sa live studio airing ang noon time show na Eat Bulaga simula ngayong araw, June  8.

Ayon sa isa sa mga host na si Vic Sotto na nagbukas ng programa, makalipas ang 85 araw na hindi nila pag-ere ng live mula sa studio, ngayon ay balik na sila sa live program.

Si Vic Sotto ay nasa kaniyang bahay, o naka-work from home.

Habang nasa studio naman na sina, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Alden Richards, Jose Manalo at Maine Mendoza.

Work from home din si Pauline Luna, sina Ryza at Baby Baste, Ryan Agoncillo, Allan K, at Joey De Leon.

Ayon kay Jose Manalo, bago sila magbalik sa pag-ere mula sa studio ay nilinis muna ang buong APT Studio.

Isinailalim sa sanitation at disinfection ang buong pasilidad mula sa audience area back stage, stage, pantry, hosts room at iba pa.

Paala ng EB Dabarkads, para sa kaligtasan ng lahat, ‘Team Bahay’ muna ang audience at wala munang papayagang manood ng live.

 

 

Read more...