Mga kumpanya ng langis may mahigit pisong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo

Epektibo bukas, June 9 ay mayroong mahigit pisong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng kumpanyang Shell, epektibo alas 6:00 ng umaga bukas ay mayroon itong dagdag na P1.75 sa kada litro ng gasolina; P1 dagdag sa kada litro ng kerosene at P1.10 na dagdag sa kada litro ng diesel.

Ganito rin ang halaga ng ipatutupad na dagdag presyo ng Petro Gazz sa kanilang diesel at gasolina.

Inaasahang ngayong araw ay mag-aanunsyo din ng dagdag presyo ang iba ang mga kumpanya.

 

 

Read more...