PNP iniimbestigahan na ang paglabag sa Baguio health protocol ng ilang San Juan police

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang paglabag ng mga pulis ng San Juan sa health at security protocol ng Baguio City.

Ayon kay Police Col. Allen Rae Co, hepe ng Baguio City Police nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa mga pulis na kasama sa convoy matapos na hindi huminto sa checkpoints noong June 5.

Ipinagtanggol din ni Co ang mga tauhan nitong nakatalaga sa convoy.

Aniya, hinayaan na lamang na lumagpas ang nasabing convoy lalo pa at marked vehicle ang mga ito upang makaiwas na rin sa posibleng komprontasyon.

Ayon kay Co base sa guidelines na umiiral sa Baguio City bawal muna ang pagtanggap ng turista sa Baguio.

Ang mga hindi residente ng lungsod ay hindi pa pinapayagang makapasok.

 

 

Read more...