Halaga ng naipamahaging family food packs ng DSWD dahil sa pandemic ng COVID-19 umabot na sa mahigit P13B

Umabot na sa mahigit P13.45 billion ang halaga ng tulong na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang labis na apektado ng community quarantine dahil sa COVID-19.

Sa update mula sa DSWD, hanggang alas 6:00 ng umaga ngayong araw, June 8, umabot na sa mahigit 1,093,000 ang mga naipamahaging relief packs.

Ito ay sa iba’t ibang field office ng DSWD sa buong bansa.

Pinakamaraming family food packs na naipamahagi ay sa Metro Manila na umabot ng mahigit 228,373.

Mayroon pang P1.12 billion na standby funds ang DSWD at mayroon pa itong P924.62 million na halaga ng stockpiles.

 

 

Read more...