Limang police escort ni San Juan City Mayor Francis Zamora sinibak ng NCRPO matapos ang paglabag sa health protocols sa Baguio City

Sinibak sa pwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, M/Gen. Debold Sinas ang limang police escort ni San Juan City Mayor Francis Zamora.

Ito ay matapos ang insidente ng paglabag ng grupo ni Zamora sa health protocols sa Baguio City noong June 5.

Sinabi ni Sinas na bilang law enforcers dapat inirerespeto ng mga pulis ang lahat na umiiral na rules at regulasyon.

Kailangan din aniyang maging pangunahing prayoridad ngayong may pandemic ng COVID-19 ang kalusugan ng publiko.

Ang mga pulis na kasama ni Zamora ay nasampahan na ng reklamo sa Baguio.

 

 

 

 

 

 

Read more...