Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.87 meters alas-6:00 umaga ng Lunes, June 8 mas mababa ito sa antas nito kahapon na 189.22 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.00 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 101.06 habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 76.00 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 75.98 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, San Roque at Pantabangan dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binag, Magat at Caliraya dams.

 

 

Read more...